Naging busy ang sumunod na araw sa akin. Maraming school activities idagdag pa na naghahanda rin ako para sa susunod na pictorial. Nagsearch ako ng tungkol kay miss aviona at namangha ako sa dami ng article na naglabasan patungkol sa sikat na modelo. Mukha siyang manika kaso mukhang mataray. At makakasama ko siya sa susunod. Nakakatuwa. "Hoy maya kanina ka pa napapansin ng senyora na wala sa sarili. Tapusin mo na yang pagpupunas mo. Bagal bagal. Nagmodel lang feeling maganda na" bulong bulong ni lita Napatingin ako at napatitig sa napakalaking portrait ng senyor sev na pinupunasan ko "Have you seen rafael maya?" Umiling ako. Nalungkot din ako noong pabalik na kame ng remedyos. Maski dulo ng daliri ni raffy ay di ko man lang nasilayan. Namimiss ko na siyang titigan. Namimiss ko na kong p