Samantha "What the hell are you doing?!" Narining nyang sigaw kasabay ng malakas na pagsara ng pinto. Pinilit nyang buksan ang mga mata pero hindi nya magawa, nanatili syang nakikiramdam sa paligid nya, wala parin syang lakas para kumilos. "Huwag ka ngang makialam Shawn" Narinig nyang sigaw ni Ashley at naramdaman nyang nawala sa tabi nya si Paul. Kasabay ng mga tilian sa paligid. "I can't watch you f*****g innocent!" Sigaw ng lalaki na marahil si Shawn. At malakas na kalabugan ang narinig nya at mga sigawan palitan ng mga maahanghang na salita sa pagitan ng dalawang lalake at mga tili naman sa mga babae, wala syang nauunawahan sa mga sinasabi ng mga ito, pero kahit papano nakahinga sya kahit sandali lang, dahil nawala sa kanya ang atensyon ni Paul. Pinilit nyang buksan ang mga mata.