"How are you Ate Sam?" Tanong ni Haina ng magmulat sya ng mga mata nakita sina Haina, Harvey at Shawn na nakatayo sa may gilid ng kamang kinahihigaan nya. Medyo gumaan na ang pakiramdam nya, kung gaano sya katagal natulog hindi sya sigurado, basta pagmulat nya hindi na ganoon kasakit ang naramramdaman nya at malaya na nyang nabuksan ang mga mata at malinaw na nakikita ang tatlo sa gilid ng kama. "Haina" Sabi nya at bumangon mula sa pagkakahiga at naupo sa kama. "Are you ok?" Tanong ni Harvey na halata sa mukha ang galit, marahil na ikwento na ni Shawn rito ang nangyari sa kanya sa bahay ni Ashley. Ang muntikan na n'yang pagkapahamak sa mga kamay ni Paul. "Harvey" Usal nya at hindi napigilan ang mapaiyak sa takot. Naalala naman kasi ang nangyari kanina. "Ate" Sabi ni Haina at mabilis na

