Sean Kanina pa sya naghihintay sa sala ng bahay ng mga Dela Serna at naiinip na sya, nais na nyang umakyat sa taas at tignan kung ano ba talaga ang nangyayari kay Samantha, nagdududa na sya kanina pa. Maaga syang pumunta sa bahay ni Samantha kanina para sana yayahin itong pumunta sa Asyenda nila Joshua kasama si Vincent, pero nagulat sya ng sabihin ng Mommy ni Samantha na wala si Samantha sa bahay at kina Harvey ito natulog, hindi ba't inihatid nya ng maayos si Samantha kagabi, bakit hindi nito nasabi sa kanya ang balak nitong pag punta sa bahay ng mga Dela Serna and worst bakit hindi ito nagpaalam sa kanya na sa mga Dela Serna ito matutulog, ginagawa ba syang walang kwenta ni Samantha at basta nalang nito ginagawa ang gusto nito na hindi man sinasabi sa kanya bilang boyfriend nya, hind

