Sean "Congrats pare, sa wakas happy ending" Bati nya kay Joshua matapos ang kasal nito kay Aya. Natutuwa sya na sa pagbabalik nya ng San Miguel makalipas ang pitong taon ay may maganda syang nasaksihan mula sa mga matatalik na kaibigan. Si Vincent kasal na kay Ella, si Joshua kasal na kay Aya may mga pamilya na ang mga matalik nyang kaibigan, nasa 2nd stage na ng buhay ang mga ito. Samantalang sya, tila walang paroroonan ang buhay nya, hindi nya alam kung saan ba sya patungo? Hindi na rin naman sya bata pa sa edad na bente syete hindi pa rin naman sya ganoon katanda, pero tila nararamdaman nyang walang nararating ang buhay nya, lalo na pagdating sa buhay pag-ibig. Marami man syang nakarelasyon sa London na iba-ibanh lahi at may kalahi din nya pero walang nangyaring maganda, nagtapos ang l

