Samantha "Sam, Saan ka galing pinag-alala mo kami!" Salubong ng Mommy nya ng makapasok sya sa loob ng bahay. Inikot lang nya ang mga mata at nagtuloy sa hagdan. Pinagaalala nya ang ito dahil baka hindi na sila makabayad ng utang pag may nangyari sa kanya. "Sam!" Muling tawag ng Mommy nya. "Pagod po ako, please" Tannging sagot nya at nagtuloy na sa pag akyat sa hagdan. Pagdating nya sa sariling silid, tila sya nanghihina na napasandal sa likod ng pintuan. "Sean" Usal nya at naalala ang sinabi nito na I'll see you soon. "Bakit sya bumalik? Para saan pa at bumalik sya ng San Miguel?" Tanong nya. Hindi na sila dapat nagkita pa ni Sean kanina oh kahit kailan pa hindi na dapat sila magkita. Pitong taon na mula ng umalis ng San Miguel si Sean, at sa loob ng mahabang panahon na yon walang ara

