Sean "Samantha?" Gulat na tanong ni Vincent ng sadyahin nya ang kaibigan sa opisina nito sa Vincella Hotel. Nahihiya syang tumango at binaling sa picture frame ang mga mata, kuha yon nung 2nd wedding ng kaibigan at asawa nitong si Ella. Hindi sya naka attend noon dahil biglaan. "Paano kayo nagkita?" Nagtatakang tanong ni Vincent. Matapos ma kwento rito na nakita nya si Samantha kagabi. "Alvarez beach" tipid na sagot nya. "Then?" Tila naiinip na tanong ni Vincent dahil sa pa putol-putol na kwento nya. Nahihiya kasi sya hindi nya alam kung paano sasabihin sa kaibigan ang tungkol kay Samantha, na buong gabing hindi nagpatulog sa kanyan. "Kaya ba malalim yang eyebags mo, dahil hindi ka pinatulog ni Samantha?" Nakangising tanong nito at naupo sa mesa at hinarap sya. "I asked her na mag

