Samantha "Ate Sam" Tawag ni Haina sa kanya ng umagang puntahan ito sa bahay. Sinadya nya si Haina dahil nais nyang humiram ulit ng damit na maisusuot rito, yung huling pinahiram nito, hindi na nito kinuha pa. Nahihiya man syang maghiram ulit, nag lakas loob na sya. Ipapakilala sya ni Sean kina Vincent at Joshua mga matalik na kaibigan ni Sean. Hindi sila pupunta sa party, kundi mag di-dinner sa bahay ni Sean. Pakiramdam tuloy nya ipapakilala na sya ni Sean sa mga magulang nito, kung makapag handa sya eh sobra-sobra. "Nasabi na sa akin ni Kuya, about the dinner date mo with Sean Monteverde" Sabi ni Haina, habang paakyat sila sa malaking hagdan sa bahay ng mga Dela Serna. "Yeah, pasensya na" Nahihiyang sagot nya. "Ano ka ba naman Ate Sam, wala yon" Sabi nito at pumasok na sila sa mala