Sean Napansin nya ang pagbabago ng mood ni Samantha matapos ang usapan nila tungkol sa plano nya pagka graduate. Hindi naman kasi nya inasahan na itatanong ni Joshua ang bagay na yon at sasagutin naman nya ng totoo nyang plano na kaharap si Samantha. Marahil iniisip ni Samantha na iiwan nya ito pagka gradutae nya, eh ano nga ba ang gagawin nya kay Samantha pagka graduate nya? "Kanina ka pa tahimik dyan?" Tanong nya kay Samantha matapos maihatid sina Joshua at Vincent sa labas. Sinulyapan lang sya nito at nauna na sa pagpasok sa loob. Sinundan nya ito, hindi sya sanay sa ganitong drama sa relasyon, hindi sya marunong sumuyo. Ito na nga ba ang sinasabi nya eh, kaya ayaw nya ng ano mang comitmment sa babae, alam nya na ang mga babae mataas mag expect sa isang relasyon, gusto ng mga ito na