Pagkabihis ng bagong roba ay napahugot ng isang malalim na hininga si Prinsipe Dronno nang sumakay ulit siya sa kanyang spaceship kasama si Ublli sa katauhan ni Heneral Ebradus. Pinaandar na iyon ng kanyang alagang nagpipiloto niyon at agad iyong lumabas sa teritoryo ng Reiganthu. May escort pa siyang ilang spaceships ng mga Reiganthus papuntang Pleretath para protektahan siya. Nakikinig lang siya nang tahimik sa komunikasyon sa pagitan ni Haring Boskoth at ng heneral ni Haring Aiphus ng Vodrutera. “Napakiusapan ko na si Prinsipe Dronno at pumapayag na siya sa nais mo, Haring Aiphus kaya papasok na siya ngayon sa atmospera ng Pleretath,” balita ni Haring Boskoth. “Bakit may mga kasama siyang Reiganthus, Haring Boskoth? May plano ba kayo, ha?” deretsahang sita ni Haring Aiphus. Halatang

