“Kung hindi mo ibibigay ang hiling ko, walang kasalang magaganap, Haring Aiphus,” malamig namang tugon ni Prinsipe Dronno saka napatingin siya sa mga Vodruteran na tila naging alerto dahil sa tensyon sa pagitan nila ng hari ng mga ito. Nakita niyang napakuyom ito ng mga palad. “Isasakripisyo mo ba ang buhay ng mga Pleretathian, Prinsipe Dronno? Ito ba ang ibig mong sabihin?” “Kailangan mo ako para sa alyansa, Haring Aiphus, kaya gagawin mo ang gusto kong mangyari. Kung hindi ako maikasal sa anak mo, balewala ang pagsakop mo ng Pleretath. At kung papatayin mo ang lahat na mga mamamayan ng Pleretath at pati ako ay alam mong mahihirapan ka sa pag-alis mula rito sa Goyrutta Galaxy nang ligtas. Bakit? Dahil kapag nalaman ito ng iba pang mga kaalyansa ko, hindi lang ng Reiganthus, magiging is

