Marahang lumapit si Prinsipe Dronno kay Haring Aiphus habang bumabalot sa kanyang braso si Ublli na kinopya ang kanyang sandatang ibinigay kanina sa hari. “Simulan na ang kasal!” utos ni Haring Aiphus. Dronno’s jaw muscles twitched as he ground his teeth hard. Pumuwesto si Prinsesa Narrani sa harap ng kanyang trono at naghihintay sa kanyang tumayo. Siya naman ay napatigil sa paglapit sa ama nito dahil lumayo ang hari sa kanya. Ano na ngayon, Prinsipe Dronno? Mag-improvise ka na lang, naisip pa niya. Ang planong napag-usapan ay gagawin niyang bihag si Haring Aiphus upang walang magagawa ang mga Vodruteran. Tinitimbang-timbang pa niya ngayon ang kanyang options. Fifty-fifty ang tsansa na may pakialam si Haring Aiphus kapag ang anak nito ang magiging bihag niya ngayon sa halip na ang ha

