Chapter 50

1527 Words

Umupo si Kaira sa harap ng kanyang study table sa loob ng kanyang kuwarto. Napatingin siya sa kanyang sarili sa salamin na nasa likod niyon. Napaisip siya kung ang sarili nga ba niya ang nakikita ngayon. Para kasi siyang hindi ang dating Kaira pagkaalis ni Prinsipe Dronno. Pagkatapos niyon ay napatingin siya sa ibabaw ng kanyang laptop kung saan nakalagay ang tatlong pirasong diamante na iniwan at bigay sa kanya ng alien na prinsipe. Napangiti siya nang mapait. Alam niyang iyon ang ibig sabihin niyon. I love you. I love you, too, Dronno. “Anak, ‘andiyan si Alice,” pagpaalam ng inang kumatok sa kuwarto niya. Ito ang umuntag sa kanya mula sa pag-aalaala kay Prinsipe Dronno. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang umalis ang binata. Bawat gabi ay umiiyak siya, nagtatanong sa isip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD