Chapter 51

1574 Words

Bilang si Heneral Ebradus, hinanap ni Ublli gamit ang kanyang system kung paano ibalik ang pagbukas ng system ng mothership ng kinaroroonan nilang spaceship ng Vodruteran. Ginawa niya ang lahat para ma-override iyon. Nang magawa na niya ay naramdaman niya ang paggalaw ng sasakyan. Agad siyang bumalik sa tabi ni Prinsipe Dronno. Nawalan na ito ng malay dahil sa natamong pinsala sa katawan. Maraming dugo ang nawala rito. Nag-teleport na siya papuntang infirmary sa loob ng palasyo. Napakalaki nito na gawa sa matibay na bato ang dingding at kisame na kulay-abo. Napakaliwanag ng ilaw na nakapalibot sa buong silid. May nakahilerang mga kama roon na puro may asul na kubre-kama at isang matigas na unan kung alin nag-i-scan ng brain activity at buong sistema ng isang Pleretathian para suriin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD