Nakangiti sa kanya nang maluwag ang alien na prinsipe, suot ang isang robang kulay-bughaw at kumikinang ang diamanteng nakapalamuti rito. May hawak pa itong pumpon ng bulaklak na gawa sa diamante at iba’t ibang uri ng mga bato na noon pa niya nakikita. Mabilis siyang tumakbo sa kinatatayuan nito, inakyat ang katawan nito at niyakap ito sa leeg habang nakapulupot ang mga binti sa baywang nito. “Nandito ka na!” Napapikit siya ng mga mata upang damhin na totoong nandito na nga ito ngayon at nayayakap niya. Gusto niyang maramdaman na hindi siya nananaginip lang o kaya ay hologram lang ito. Gusto niyang makasiguradong hindi lang ito guni-guni niya. She could feel his warm and hard body against hers. And she felt his arms wrap around her small waist. Saka naramdaman na lang niya ang pagdampi n

