"ANONG GINAGAWA mo rito?" Kahit sobrang gulat ay nagawa pa rin niyang patigasin ang tinig. May hinanakit pa rin siya rito hanggang ngayon. Pero sa halip na sumagot ay sinuyod lamang siya ng tingin mula ulo hanggang paa, paakyat ulit sa kaniyang tiyan. Nagtagal doon ang kaniyang mga mata. Animo sinusukat nito ang inilaki ng tiyan niya simula noong huli silang magkita. "Hindi ka na dapat nagpunta rito, Ryder. Pinayagan mo na nga akong umalis, 'di ba? Malinaw ang usapan natin na—" "Belle," putol nito sa isang mahinahong tinig. Ang marinig muli ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan ay nagpapahina sa kaniyang dipensa. Tila unti-unting natutunaw and galit niya. Humugot ito ng malalim na hininga. Humakbang pa ito ng ilang pulgada mula sa kaniya. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Da