CHAPTER TWENTY-TWO

1044 Words

"OH, HINDI KA pa ba pagod sa kaaayos ng tindahan mo, Ysa? Naku! Ako ang natatakot sa iyo. Baka manganak kang wala pa sa oras. Ang layo pa man din ng ospital dito." Napaangat siya ng tingin sa kadarating na si Rina. Ito ang namalengke ng ilang stocks sa maliit niyang tindahan. Nasa walong buwan na ang ipinagbubuntis niya at malaki na ang tiyan niya kaya't nahihirapan nang mamalengkeng mag-isa. Kaya nagpresinta na ang kaibigan na ito na lang ang mamalengke ng ilang paninda. "Patapos na ako. Ang bilis mo, ah." Sumulyap siya sa orasang-dingding. Wala pang isang oras at heto na ang kaibigan niya. "Eh, hindi naman kasi ako buntis." Ngumisi ito. "Talagang minadali ko at hindi ako mapakali sa iyo. Babae ka. Ako talaga ang nag-aalala sa kalagayan mo. Kung bakit pa kasi iniwan mo—" Bigla niton

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD