Third Person's POV "So, you're truly in love with her, huh!" sabi ni Mindy kay Grey, nakahalukipkip ito habang nakasandal ang likod sa pader. Nilingon ito ni Grey. "Yes, I'm head over heels in love with Zaida," sagot naman niya. Nasa isang studio sila para sa taping ng bagong station ID ng KTE Channel kasama ang iba pang exclusive artist ng nasabing TV station. Medyo napasimangot si Mindy, alam na niyang iyon ang isasagot ni Grey pero bakit hindi parin niya matanggap-tanggap? "So... I guess wala na talaga akong pag-asa sa'yo," may lungkot sa tono ng boses na sabi nito. "Tsh! I told you so many times that it is better for us to be friends. Please accept the fact that we're not meant for each other." "But, I still love you no matter what." "Mindy! Move on... huwag mong itali ang