Third Person's POV " Do you want me to go with you?" Tanong ni Grey kay Zaida habang nakahiga ito sa kama at pinagmamasdan lang siya na nag iimpake ng kaniyang mga damit. "Kung puwede nga lang, pero trabaho ang pupuntahan namin doon at saka three days lang naman akong mawawala," sagot niya rito na saglit na itinigil ang ginagawa. Bukas nang madaling araw ang flight nila papuntang Japan, kasama niya si Florie at Leny. Naimbitahan sila ni Florie bilang special guest para sa isang fashion show doon. "Okay," matipid na sagot ni Grey. Mabilis na tinapos ni Zaida ang kaniyang ginagawa at agad na lumapit dito. Humiga siya sa tabi nito at nagsumiksik sa matitipunong dibdib nito. Maya'y dumagan siya rito at masuyo itong hinalikan sa kaniyang labi. Gumanti ng maalab na halik si Grey. Lalo lang