Third Person's POV Namangha si Zaida sa laki ng venue na punong-puno ng mga tao. Isa pala itong concert treat at fans day narin ni Grey para sa kaniyang mga taghanga. Maraming mga VIP ang naroroon gaya ng management at may-ari ng KT Entertainment at mga representative ng mga produkto na ini-endorso nito. Naroon rin ang mga kaibigan ni Grey sa showbusiness. Ang nakasama niya sa mga pelikula at tv shows. Ang mga sikat na reporter ay naroon din. Napansin rin ni Zaida si Mindy Imperial na katabi ang CEO ng KT Entertainment. Si Tita Sylvia ay naroon din kasama sina Jigs, Lawrence, Carl at ang mga partner nito. Masyadong maraming tao at hindi na niya nagawang lapitan ang mga ito para batiin. Hinanap ng mga mata niya sina Yanis at Leny. " Andun sila." Turo ni Florie sa pinakagitnang bahagi ng