Chapter 12 Napapikit nang mariin si Sidney nang makita na sinuntok ng matandang Senador ang anak na Gobernador, pagkatapos na araruhin sila ng tingin habang nagkukwentuhan sila sa isang cottage, sa loob ng Splash Resort. Dumating ang matanda ilang minuto lamang ang nakalilipas, kabuntot ang mga tauhan na parang laging maglilibing nang buhay ang mga hitsura. Pinalapit nun ang anak para suntukin lang pala at sa harap pa mismo niya. Halos mawalan ng balanse ang lalaki dahil sa ginawa ng ama pero pasimple lang ang mga tingin niya. Hindi niya alam kung anong pinag-usapan ng dalawa pero malamang ay may kinalaman iyon sa kanya. Matapos kasi syang ipakilala sa Senador ay lumayas yun basta sa harap niya na parang tigre ang pagkakahulma ng mukha. Nang di sya makatiis ay tumayo siya at naghanap