Chapter 11 Sinenyasan ni Sidney si Kimberley na maghintay saglit dahil kakausapin lang niya ang ang kanyang future mother-in-law. She can't let her Momsie wait. Malamang ay aalamon nito ang tungkol sa barilan kanina kaya ito napatawag. Baka napanood na sa news o kung saan man napakinggan kaya baka halos tumalon na ang puso sa nerbyos. "Hi, Momsie kong maganda na mana sa manugang niya, at ako yun," bati niya sa nasa kabilang linya, with special ngiti pa para naman maipatiuna na kaagad niya rito na maayos ang lagay nila ni Royce pero naghi-hysterical na boses naman ang isinalubong ni Keiko sa kanya. "Iha, are you okay? Si Royce anak, okay ba? May tama ba kayo? N-Nasa'n kayo? Wala ba kayo sa ospital ngayon? My God, I’ve heard the news and I’m so late!” halos umiyak na nga ang boses nito