Chapter 40 Nang hindi na matagalan ni Sidney ang pag-iyak at sama ng loob ay kaagad na umalis siya sa Ateneo. Nag-taxi na lang sya papunta sa kapitolyo kung saan niya iniwan ang kotse niya at saka kinuha yun para umuwi na lang. Tuluy-tuloy siya sa loob ng bahay pero sa may pinto pa lang ay nagsalubungan na kaagad sila ng Daddy niya at huli na para maitago niya ang mga luha niya kahit na nagmamadali sya. She passed him by but her Dad immediately held her arm and turned her around. "Why is my baby crying?" tanong niyon kaagad sa kanya. She let herself be comforted by her Dad. She sobs on his chest, again,"Daddy, galit sa akin si Royce. Bakit ang cold niya? Parang iniiwasan niya ako. Parang takot sya na madikit ako ulit sa kanya pero sabi niya mahal pa niya ako. Pero bakit ganoon? Bakit