Chapter 41 Nakasandal si Sidney sa headboard ng kama niya habang hawak ang cellphone. Naghihintay sya ng reply ni Royce sa tanong niya na, mahal mo pa ba ako, pero limang minuto na syang naghihintay eh wala pa ring sagot. Napaiyak na tuloy na naman sya. Inabot na sya ng gabi sa pag-iisip pero di talaga niya mapigil ang sarili na huwag maiyak. Natatakot sya na baka hindi na sya mahal na totoo ni Royce. Baka nabuntis na ni Royce ang Helenna na yun kaya super cold na ang boyfriend niya sa kanya ngayon. Her attention was caught when somebody knocked at her door. Daddy... Inilapag niya ang phone sa mesa saka sya tinatamad na bumaba ng kama at naglakad papunta sa pintuan. She's doomed and sad as she lazily opened the door pero napatayo sya nang tuwid nang mabungaran niya si Royce. He was sta