CALIX HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag ang nararamdaman ko kahit kahapon pa sinabi sa akin ni Happy ang totoo—na anak ko nga raw si Tyron at hindi nila ni Jestoni. Tandang-tanda ko pa ang pakiramdam ko kahapon nang sabihin niya iyon sa akin. Kulang na lang ay sasabog ang puso ko sa labis na kasiyahan. Bigla na lang akong naiyak. Napahagulhol nang todo kahit kaharap ko si Happy. Never akong naging emosyonal nang ganoon, maliban lang noong iniwan niya ako. Magdamag akong hindi nakatulog nang maayos dahil sa sobrang excitement ko sa pagdating ng umaga. Ngayon kasi ipinangako ni Happy na ipapakilala raw niya ako kay Tyron. Hindi kasi ito nakapunta ng ospital kahapon. “Calix, hijo… bumalik na ba si Happy?” Napahinto ako sa aktong paglabas ng bahay nang makita ko si Papa na

