HAPPY KAGAYA ng ipinangako ko kay Calix, pinayagan ko siya na isama si Tyron sa bahay nila para maipakilala naman sa Daddy niya. Pero dahil ayaw pumayag ng aming anak na hindi ako kasama kaya napilitan akong tumira din dito sa bahay ng mga De Vera. Siyempre, kasama rin naming si Kaycee. Hindi ko alam kung gaano kami katagal dito. Pero wala namang problema dahil maayos naman ang pakikitungo sa amin ng Papa ni Calix. Katunayan niyan, natutuwa nga ako sa mainit na pagtanggap niya kay Tyron, pati na rin sa amin ni Kaycee. Unang pagkikita pa lang ng mag-lolo ay talagang napaluha na ang matandang De Vera. At sa loob ng ilang araw na pananatili naming dito ay nasaksihan ko ang totoong pagmamahal niya sa aking anak. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. I don’t know. Hind

