HAPPY NAPAG-ALAMAN ko kina Miss Jass at Papa ni Calix na totoong binigyan na nga ng taning ang buhay niya ng doctor. At iyon din mismo ang sinabi sa akin ng doctor niya nang kausapin ko ito. Gayon man, katulad ng pamilya ni Calix, hindi rin ako nawawalan ng pag-asa na mapapabilang siya sa mangilan-ngilang pasyente ng second heart transplant na humaba pa ang buhay. Naniniwala pa rin kami sa himala ng Diyos. Kailangan kong gawin iyon, hindi para sa sarili ko kundi para kay Tyron na umaasang makakasama pa nang matagal ang kaniyang ama. “Mama, gusto ko po kapag pumasok na ako sa school, kayong dalawa ni Papa ang maghahatid po sa akin sa school, ha?” paglalambing ng aking anak habang kumakain kami ng almusal. Kasalo namin ang kaniyang ama’t lolo at si Kaycee. Nandito pa rin kami sa mansiyo

