HAPPY TAHIMIK akong nakaupo sa buhanginan habang pinapanood ko ang masayang paghahabulan ng aking mag-ama sa dalampasigan. Lalonh sumasaya ang pakiramdam ko dahil kasama rin nila si Kaycee at pare-pareho silang masayang tatlo. Nakadagdag sa kasiyahang nadarama ng puso ko ang kapayapaan ng paligid. Masarap damhin ang mabibining hampas ng mga alon sa dalampasigan. Para akong dinuduyan ng malamig na hanging yumayakap sa akin. “Papa, mag-aaral na daw po ako next year sabi ni Mama. Tuparin n’yo po ang promise n’yo sa akin noon na kasama ka niya sa paghahatid-sundo sa akin, ha? Kung hindi, magtatampo po ako sa inyo.” Matamis akong napangiti nang marinig ko ang sinabi ni Tyron sa kaniyang ama. He’s four-year-old now. Matatas na siyang manalita at mas naging bibo pa siya, Kakaiba ang sigla at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


