"Please, Ange. Bigyan mo ako nang isa pang pagkakataon na maitama ko ang aking pagkakamali noon. Handa kong gawin ang lahat ng gusto mo. mabigyan mo lang ako nang isa pang pagkakataon at pangakong hindi na ako magkakamaling muli." "Ang gusto kong gawin mo, Carlos. Tigilan muna ang umasa na magiging tayo pa dahil sarado na ang puso ko para sa 'yo." Pagkatapos kong sabihin iyon ay inawan ko na siya upang puntahan ko ang aking anak. Bigla kong naalala na kanina pa pala iyon naghihintay, kaya patakbo akong pumunta sa bahay ni Carlos, upang kunin ang aking bag. Nakita niya ako at dali-daling sinundan. "Bakit?" tanong niya. "'Yung taxi kanina pa pala naghintay sa may gate. Hindi ko pa nabayaran at puntahan ko lang." "Ako na bahala doon at puntahan mo na lang ang bata," aniya. "Ak —" put