"Wife.." Nagmamadaling tawag sakin ni Z habang hinahabol niya ako palabas ng building nila. Hanggat maaari pipigilan ko ang sarili ko. Baka hindi ko na kayanin at sumabog na ako ng tuluyan. Gusto ko siyang saktan at sigawan pero kapag gagawin ko yun ako rin mismo umaatras. Dahil hindi ko siya kayang saktan! Ayokong iwan niya ako dahil lang sa masasaktan ko siya. Mahal na mahal ko ang asawa ko pero hindi ko alam kung hanggang saan na lang ang pagtitimpi ko. "Wife please! W-Wala talaga kaming ginagawa ni Sabrina" pagpapaliwanag ni Z habang hinahabol niya ako. "Kausapin mo naman ako wife please!" Napahinto ako at napakuyom ng kamao at napapikit ako. "Wife please.." pagmamakaawa niya sakin. "Zen Im tired." marahang sambit ko sa kanya. Napansin kong natigilan siya. "Wife? What

