Hindi ako mapakali habang nakatitig ako kay ariyah na kinukuha ang order namin. Hindi ko alam na nawalan ako ng lakas, nawalan ako ng gana na nasa harap ko mismo ang mistress ng asawa ko. Simple lang siya at halatang mabait siya kaya siguro nagustuhan rin siya ni Z. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako mapalagay sa inuupuan ko Tinadhana nga ba kami na magkita rito ngayon? Hindi pa ako handa. Dahil nasasaktan ako habang nakatingin ako sa kanya. Ano nga bang meron siya na wala ako? Anong meron sa kaniya na minahal ni Z? Hindi ko alam kung maiinggit ba ako sa isang tulad niya dahil siya madalas niya nakikita at nakakasama si Z. Samantalang ako ni minsan hindi ko pa nakakasama ng matagal ang asawa ko dahil na rin siguro sa mga trabaho namin. Yung mga dinner namin na hindi natutuloy,

