Sa penthouse sila tumuloy ni Grey pagkalabas nito sa ospital. Sa penthouse na lang din ito magpapagaling at magpapalakas, pati na ang therapy nito sa penthouse na rin gagawin at sasamahan niya si Grey sa lahat ng laban nito hanggang sa gumaling ito at makalakad muli. Dahil na rin sa mahihirapan na si Grey sa pag akyat sa ikalawang palapag pinaayos na lang ang silid sa ibaba na siyang opisina ng asawa noon na ngayon ay ginawang silid nito para hindi na nito kailangan pang umakyat lalo na siya lang dalawa nito sa penthouse at mahihirapan siyang iakyat baba si Grey. "Nagustuhan mo ba ang pagkaka design ng bago mong silid?" Tanong niya kay Grey nang maihiga na ito sa kama malapit sa bintana, para kahit papano pwede pa rin nitong tanawin ang labas at ang langit. "Ayos lang," tipid na tugon

