Lalong humigpit ang hawak niya sa maliit na bewang ni Esha habang magkalapat ang kanilang mga labi. Ito ang nagsimula ng ganitong gawain at hindi niya ito tatanggian kahit pa sa kalagayan niyang ito. Binti lang naman niya ang hindi niya magalaw ng maayos, kaya pa naman ng kanyang labi at ibang parte ng katawan. Isa pa kung nanaisin naman ni Esha na may mangyari sa kanila pwede namang ito ang gumalaw para makaraos silang pareho. Tanda niyang halos magawan na naman niya ng hindi maganda si Esha bago niya ito iniwan sa condo at maaksidente siya. Nakakagawa siya ng hindi maganda dahil sa kanyang galit at selos na nararamdaman sa babaing mapapangasawa. Kahit sinong lalake magagalit pag nakita ang fiancée na may kahalikang ibang lalake, at hindi naman basta ibang lalake lang iyon kundi ex nito.

