Pagdating ng mga magulang at kapatid ni Grey sa Europe napagdesisyunan ng mga ito na manatili na muna si Grey sa Europe habang nagpapagaling ito ngunit hindi sangayon si Grey sa suhestiyon ng pamilya nito at nais nitong magpa uwi na agad sa San Sebastian, kahit pa sabihin ng mga magulang nito na mas magaling ang mga doctor na titingin rito sa Europe at magpapadali ang pag galing nito. Kahit anong sabihin pa ng Papa at Mama ni Grey rito ayaw nitong tumagal pa ito sa Europe nais na nitong umuwi ng San Sebastian at doon na lang daw ito magpapagaling kung talagang gagaling pa daw ito. Hindi kasi naniniwala si Grey na muli itong makakalakad at makakabalik sa dati. Wala itong tiwala sa sinabi ng doctor na malaki pa ang chance nito na makabalik sa dating pamumuhay nito, basta patuloy lang ang gam

