"CJ napadaan ka," saad niya sa kaibigan nang dalawin siya nito sa penthouse niya. Nagulat pa nga siya nang sabihin sa kanya ni Esha na may bisita siya, akala niya si Georgina o di kaya ang Mama niya at magdadala na naman ng mga pagkain Hindi kasi niya inakala na hanggang sa bahay niya dadalawin pa siya ni CJ lalo na't may asawa na siya. "Snacks," nakangiting saas ni CJ at tinaas ang bitbit nitong paper bag na mukhang may mga lamang snacks. "Sure," he said at ngumiti sa kaibigan. "Ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito, grabe lalong gumanda ang penthouse," saad ni CJ sa kanya habang patungo sila sa may sala para doon mag kwentuhan. Dahil sa nabanggit ni CJ napasulyap siya kay Esha na tahimik na nakatayo sa tabi. Napansin niyang nag iba anv aura ng magandang mukha nito. Bago pa dumating

