Kinagabihan special dinner sa may hardin ang pina set up ni Grey para sa kanilang dalawa, pinapunta pa nga ng asawa ang magaling na chef na siyang nagluluto para sa pamilya Saavedra tuwing may family gathering ang mga ito. Kaya naman wala na siyang gagawin ngayong gabi kundi ang ihanda ang kanyang sarili para sa asawa. Hindi niya kailangan maghanda ng dinner para sa kanila, dahil na rin sa sobrang nais niyang mapagsilbihan ang asawa siya ang lahat ng gumagawa ng mga kailangan ng asawa, tulad ng paghahanda sa damit na susuotin nito pagpasok sa opisina, kakainin breakfast sa bahay o di kaya naman dinner sa bahay. Hindi na rin siya magtataka kung bakit nahulog na ng tuluyan ang loob sa kanya ng asawa, dahil inaalagaan niya ito ng husto walang limit ang pag aalaga niya sa asawa dahil mahal niy

