Kinagabihan hindi niya inakala na darating ang mga magulang niya para sa kasal nila ni Grey. Kaya naman agad niyang sinalubong ang mga ito nang dumating. "Salamat po Mommy, Daddy dumating kayo," masiglang saad niya sa mga magulang at niyakap ang mga ito ng mahigpit. Naramdaman niyang walang gumanti sa mga magulang niya sa yakap niya sa mga ito, kaya naman kumalas na siya ng yakap at tinignan ang mga ito. Walang kangiti-ngiti ang kanyang Mommy, pansin din niyang nakasuot ito ng itim na bestida na parang inappropriate sa okasyon nila ngayon. "Mag-usap muna tayo Esha," seryosong saad ng Mommy niya. "Huwag na hayaan mo na si Esha sa desisyon niya. Huwag na tayong makialam pa," pigil ng Daddy niya sa Mommy niya. Nalipat ang mga mata niya sa Daddy niya na nakabihis ng tama sa okasyon, ngumiti

