Kinabukasan maaga palang dumating na ang mag-aayos sa hardin ng penthouse doon kasi gaganapin ang kasal nila ni Grey mamaya. Tuloy na tuloy na talaga ang kanilang kasal at magiging ganap na siyang Mrs. Grey Saavedra. Aaminin niyang nakaramdam siya ng excitement sa gaganapin na kasal nila ni Grey, hindi nga niya alam kung bakit ano ba ang nakaka excite sa kasal nila ni Grey. Kagabi natulog silang magkatabi ni Grey sa kama nito, pag gising nga niya nakayakap pa siya rito kaya naman agad siyang dumistansya kay Grey kanina bago pa ito magising, baka kasi ano pa ang isipin ni Grey pag nakita nitong nakayakap siya rito. Baka isipin nitong nagsasamantala siya, hindi naman talaga niya alam kung bakit siya nagising na nakayakap rito. Anyway ikakasal na rin sila nito at tiyak na hindi yakap ang sus

