Jasmine Red POV* Nagising akong wala na si Ton-Ton sa gilid ko at biglang bumukas ang pinto at si Ton-Ton pala iyon na may dalang almusal. "Good Morning, Wife." Nakangiting sabi niya at inilapag sa gilid ang pagkaing dala niya. "Hmm.." May kinuha siyang wet wipes at pinunasan niya ang mga mata ko. Nakangiti siya habang ginagawa iyon nang mag sink in sa isipan ko na mukhang muta ang pinupunasan niya. Agad ko sanang aagawin ang wipes na hawak niya nang hawakan niya ang kamay ko at interwise niya ito habang pinupunasan niya ang mga mata ko. Nahihiya naman akong di tumingin sa kanya kahit ngayon mayaman na siya ginagawa pa din niya ang ginagawa niya noon. Kumuha pa siya ng wet wipes at ang mukha ko naman ang pinunasan niya. "Okey, done." Inilagay naman niya ang maliit na mesa sa higaan