Jasmine Red POV* Agad akong nagising sa halik ni Ton-Ton dahil sa tunog ng cellphone ko kaya agad ko siyang natulak. Save by the phone. Napatingin ako kay Ton-Ton na hinihingal pa kagaya ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Kyzler. At ang nakalagay pa ay Handsome Kyzler. Agad ko iyong sinagot at lumayo ng kaunti kay Ton-Ton. "N-Napatawag ka?" Sabi ko at sinamaan ko ng tingin si Ton-Ton na nakakagat pa sa labi na parang nanlalandi. 'Nasaan ka ngayon? Free ka ba this lunch?' "Lunch?" "Honey, sabay tayong kakain ngayong Lunch and don't forget the dinner. Maaga tayong pinauwi ni Mom." Biglang sabi ni Ton-Ton at sigurado akong narinig iyon ni Kyzler. 'Oh, mukhang kasama mo ngayon ang seloso mong asawa ha.' "Meron ba ako nun? Tsk." 'Baba ko na baka nais