SAMANTALANG hindi inaasahan ni Zarina ang maagang pagdalaw sa kanya ni Renzo. Naghatid lang ito ng dalawang buong karne ng manok na ipinapabigay kuno ni Esmeralda. Napansin niya na beast mood ito, siguro dahil sa presensiya ni Kenji. "Salamat sa paghatid ng karne at pakisabi rin kay tita na salamat," aniya habang isinasalansan sa freezer ng refrigerator ang karne. Inalok niya ng kape ang binata at siya mismo ang nagtimpla. Nakaupo uto sa silyang katapat ng dining table at humihigop ng kape. "No worries," anito. Naiilang siyang humarap dito lalo na't wala siyang suot na bra. "Pasensiya ka na, hindi pa ako nakapagluto ng almusal," sabi niya habang nakaharap pa rin sa refrigerator. "Okay lang. Sa office na ako kakain mamaya." Tumayo na ito. "Saan mo pala nakilala ang lalaking kaibigan m