CHAPTER 12

1308 Words
“SASHA.” “Ano?” “I said kiss me.” “Sandali lang at nag-iisip pa ako.” “Nag-iisip ng ano?” “Basta.”  Ang totoo, sinusubukan lang niyang kalmahin ang nagwawala na niyang puso.  Natatakot kasi siyang anomang sandali ay marinig nito ang pagreregodon ng dibdib niya at malaman nito kung ano ang kanyang nararamdaman. Kahit siya ay hindi niya alam kung paano pa siyang nakakapagsalita ng maayos ngayon samantalang hindi na nga niya alam kung saan na napunta ang utak niya.  She just couldn’t think.  Not when she just realized she had feelings for him.  And now he’s asking her to kiss him?! “Sasha.” And then there was his voice again, as if caressing her heart.  “Fine!” Ilang sandali pa niyang tinantiya kung saan banda niya ito hahalikan.  She opted for a quick peck on his left cheek.  Tatakbo na sana siya palayo nang muli itong magsalita. “What in the world was that?” “Halik ko na iyon.” “That’s not a kiss.  That’s just a peck.” “Hoy, huwag mong insultuhin ang halik ko.  Pinaghirapan ko iyon.”  Then she started to leave again.  Kailangan niyang makalayo dito agad.   Ngunit hindi siya nito hinayaang makaalis.  “A kiss should be on the lips, Sasha.” Mas lalong nagwala ang buong sistema niya.  “Nek nek mo!  Hindi kita totoong boyfriend kaya bakit kita hahalikan sa lips?” “Hindi ka pa nahahalikan sa mga labi, ano?” “Of course not!  I—“ “You don’t know how to.” Sa sobrang kaguluhang nararamdaman, idagdag pa ang pagkakataranta nila sa sitwasyon nila nang mga sandaling iyon, tinanggap na lang niya basta ang hamon nito.  Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito. “I know how to kiss!”  Then she pressed her lips into his.   Kahit siya ay nagulat sa kanyang ginawa.  Oh, my!  What have she done?  Pero gustuhin man niyang putulin na ang halik na iyon, hindi niya magawa.  Nanghihina ang puso niya.  Wala na rin siyang lakas upang itulak ito palayo.  Kunsabagay, ayaw din naman niyang humiwalay sa piling nito nang mga sandaling iyon.  Even if its just for a while, she wanted to feel Raiden’s soft warm lips.  And his hands that was gently caressing her back.  At lalo lang siyang nawalan ng malay sa kanyang paligid nang maramdaman niyang gumalaw ang mga labi nito.   Now he was the one kissing her!  She closed her eyes and wound her arms around his neck as she continued to feel those wonderful feelings his kisses were giving her.  Hanggang sa maramdaman na rin niya ang sarili na gumaganti sa mga halik nito.  Ewan nga niya kung paanong sa isang iglap ay tila natuto siyang gumanti ng halik.  Tama naman kasi ito.  This was her first real kiss.  And she felt like she was already a pro on this.  It was like, by kissing someone like Raiden, there was no need to practice the art of kissing.  You just kiss and let the feelings take over. Ah, yes.  The feelings.  Those feelings.  I love you, Raiden… “Ops.  Sorry.” Nang marinig niya ang boses na iyon ay tila nagising na rin siya.  She opened her eyes and saw Laurie retreating from the office.  Kitang-kita rin niya ang mga mulagat na mukha ng mga ka-opisina niyang aksidente marahil na nakita siya nang buksan ni Laurie ang pinto nang dumating ito.  Mabilis siyang kumalas kay Raiden para pigilan sana ito ngunit naisara na nito ang opisina.   “Oh, my God!” impit niyang tili.  She felt her cheeks burning.  “Oh, my God!” “What?”  Raiden’s voice was a bit insulted.  “I’m a good kisser.  Don’t tell me you didn’t enjoy it.” “Hindi kita dapat hinalikan!” “Why not?  Kung hindi mo ginawa iyon, hindi ka pa rin matututong humalik ng tama.”  Naging mas kampante na ang boses nito.  “I must say, madali kang turuan, Sasha.” “Raiden!” tili na niya rito.  “Alam mo kung sino ang nakahuli sa atin na…na naghahalikan, ha?” “No.” “Si Laurie!  Nakita niya tayong—“  Tinalikuran niya ito.  Hindi na kasi niya maitago pa ang nararamdaman at sigurado siyang may napapansin na ito sa kanya sa gawi ng pagtitig nito sa kanya.  “Habulin mo siya.  Magpaliwanag ka.  Sabihin mong…sabihing mong aksidente lang ang lahat at kasalanan ko kung bakit nangyari ang…ang mga nangyari.  Eh!  Magulo!  Basta!  Sundan mo na siya!” “Hindi ko kailangang magpaliwanag.  She already knew we’re a couple, Sasha.  So, its just normal for her to see us kissing.” Napalingon siya ito.  Habang tumatakbo ang mga sandali, unti-unti na ring lumilinas sa kanya ang ng mga nangyari.  Ginamit lang siya nito para muling pagtakpan ang sarili kay Laurie.  Masakit, at gusto na naman niyang magmura.  Pero pinigilan niya sarili.  Hindi ba’t iyon naman talaga ang napagkasunduan nilang magiging papel niya sa buhay nito?  Ang maging panangga kay Laurie? “Sundan mo na siya,” wika niya sa mahinang boses.  “Ito na ang pagkakataon mong masabi sa kanya ang lahat ng nararamdaman mo.”  Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya.  “Kumilos ka na diyan, Raiden.  huwag mo ng palagpasin ang chance na ito—“ “Fine.” Nang lingunin niya ang binata ay palabas na ito ng silid.  And then he was gone.   “Bastard!” sambit na lang niya.  “Humabol ka naman.  Ang tanga-tanga mo talaga!  Hindi ka nga sabi mahal ni Laurie!  Peste!” Marahas niyang pinalis ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi.  Letse talagang pag-ibig ito!  Walang ginawa kundi pasakitin ang ulo niya at paluhain siya.  Nakakayamot lang.  Naupo siya sa gilid ng mesa ni Raiden.  Doon ito lagi naka-upo sa tuwing makikita niya ito sa loob ng opisina nito.   They just kissed and yet there he was, running after the woman who could never be his.  At siya?  Heto, nakatanga sa kawalan.  Gusto niyang matawa.  Ang totoo, hindi lang si Raiden ang nagpapakatanga.  Pati siya, isa ring dakilang tan-G-A.  Pero kasi, si Laurie naman talaga ang mahal nito kaya hindi niya ito puwedeng pigilan.  Wala siyang karapatan.  Pretend girlfriend lang naman siya nito.  Laurie was the woman who makes him happy.  Kahit na nga sa bawat pagkakataon na magkikita ang dalawa ay nasasaktan lang si Raiden.  Dahil kung meron man siyang natutunan ngayong nagmahal na siya ng totoo, iyon ay ang hayaan ang taong mahal mo na maging maligaya, kahit ang ibig sabihin pa niyon ay sa ibang tao ito masaya. Muling bumukas ang pinto at pumasok ang seryosong si Raiden.  Agad nagregodon ang puso niya.  Hindi na nga yata niya mapipigilan pa ang sariling mahalin ito ng lubos.  Kahit walang patutunguhan ang pagmamahal niyang iyon. “Nasaan na si…Laurie?” “Bulacan.”  Sumandal ito sa nakasaradong pinto at tumingin ng diretso sa kanya. Nagbaba siya ng tingin.  “Bakit hindi mo siya sinamahan?” “Sabi niya hindi naman niya kailangan ng kasama.” “Dapat sumama ka pa rin.” She looked up to him again.  Nakamasid pa rin ito sa kanya.  Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito.  Ngunit may ideya na siya kung nasaan ang isip nito.  And she knew she must do something for him.  Kahit man lang sa paraang iyon, makita na niya itong maligaya.  Tumayo siya at nilapitan ito.   “Let’s go, Raiden.”  Then she took his hand.  Ito na ang huling bagay na maibibigay niya para sa taong minahal niya nang husto.  “Susundan natin si Laurie sa Bulacan.  Sasamahan kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD