“GOOD MORNING—“ Dire-diretso lang si Raiden sa opisina nito. “Sir.”
Ni hindi man lang siya pinansin ng mokong. Masama pa rin ba ang loob nito dahil sa mga ginawa niya rito kagabi? Ano nga ba ang ginawa niya? Inasikaso pa nga niya ang sugat nito, hindi ba?
“Inday,” sitsit ni Cindy. “May LQ kayo ni Sir Pogi?”
“Wala.”
“E, bakit inisnab ang beauty mo?”
“Ewan ko dun.” Ang laki ng problema ng lalaking iyon.
“Break na kayo?” tanong ni Dahlia.
Eksaherado lang niyang sinimangutan ang mga ito. Halata naman kasing nang-aasar lang ang mga ito.
“Kung ayaw niya akong pansinin e di huwag. Care ko.” May palagay siyang ang nangyari nga kagabi ang ipinagsisintir ngayon ni Raiden.
Susme naman! Por que may nakahanap lang sa isa sa mga weaknesses nito, ganon na agad ang naging drama. Hay naku, ang mga lalaki nga naman. Kapag kahinaan na ang pinag-uusapan, kumibot dili. Ewan. Bahala na sila sa buhay nila.
Time ticked by. Naiburo niya sa trabaho ang sarili nang wala sa oras para lang makalimutan ang lumalaking inis kay Raiden. Ilang beses din kasi itong dumaan sa harap ng cubicle niya ngunit ni minsan ay hindi man lang siya nito sinulyapan. Kaya para hindi na lang ma-distract pa ay isinubsob na lang niya ang atensyon sa ginagawa sa kanyang computer at pakikipag-deal niya sa mga kliyente at agents nila.
Tumunog ang cellphone niya. “Hello?”
“Sasha, its me, Laurie.”
“Laurie? Paano mong nalaman ang number ko?”
“From Raiden, who else? Anyway, kanina ko pa siya niyayayang samahan ako sa Bulacan para sana tingnan ang church na pagdarausan ng kasal ko. Kaso, pinagsusungitan na naman niya ako. Ano ba ang problema nun?”
Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa. Kung ganon, hindi ang mga nangyari sa kanila kagabi ang ipinagsisintir ni Raiden. Kundi ang kaalaman na namang ilang araw na lang ang nalalabi at ikakasal na ang babaeng mahal nito. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ganitong klase ng depression. She felt so sad she wanted to cry.
Raiden loves someone else. Parang nakapakahirap sa kanya na tanggapin iyon samantalang noong una pa lang naman ay alam na niya ang tungkol doon. Bakit ngayon, nahihirapan na siyang sa katotoohang iyon?
“Sasha? Nandiyan ka pa ba?”
“O-oo.” Kinusot niya ang mga mata upang alisin ang tila pangangati niyon. Then she felt her eyes a little misty. “Bakit mo nga pala ako tinawagan?”
“Gusto ko lang itanong kung nag-away ba kayo? Kasi parang galit siya, eh. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito ka-bad mood.”
“Hindi, wala naman kaming pinag-awayan. Medyo…medyo nagkatampuhan lang kami…k-kagabi.” Damn! Why was this feels so darn sad? Dapat ba niyang sabihin kay Laurie ang tungkol sa totoong nararamdaman ni Raiden? “Ahm, Laurie—“
“Don’t worry, Sasha. Mawawala rin iyang init ng ulo ni Raiden. Trust me. Kapag nagagalit iyan, hindi naman iyon nagtatagal. Pagtiyagaan mo na nga lang ng kaunti ang pagiging bugnutin niya ngayon. But it will pass. May pagka-isip bata kasi iyan minsan kaya kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.”
“Isip bata?” Impit siyang natawa nang maalala ang mga tagpo nila kung saan halos mahilo siya sa sobrang bilis ng pagbabago ng mood nito. “Oo, medyo ganon nga siya. Malakas din siyang mang-asar at ayaw na ayaw niyang pinakikialaman ang personal niyang buhay pero siya, dapat ay may backstage access pa sa private life mo. Ayaw niya ng pinangungunahan at gusto niyang siya lagi ang may huling salita sa bawat argumento. Nakakaasar din ang mga katwiran niya. Tama kasi lagi. Ang hilig pa siyang magbitaw ng mga kung ano-anong out-of-the-blue questions. Na kailangang mong sagutin agad dahil madali siyang mainip. But then…he was also the sweetest person I’ve ever met.”
“Sasha?”
“Hmm?”
“I’m happy to hear that. Ngayon mas napatunayan kong totoo ang nararamdaman mo kay Raiden. The truth is, nagdududa pa ako sa iyo noong una. Yes, you like Raiden. Madali iyong makita sa mga mata mo sa tuwing titingnan mo siya. Kaya inakala kong fascination lang ang nararamdaman mo sa kanya dahil nga guwapo talaga ang isang iyon. But after hearing those words from you, how you talk about him with such gentleness and care, I know Raiden had finally found the right woman in you.”
“Laurie…”
“You’re inlove with him. Stay that way. Siyanga pala, papunta na akong Timber Land Building ngayon. Dadaanan ko kayo bago akong magpunta ng Barasoain Church sa Bulacan. I want to see both of you. okay? Sige, babay.”
“Ingat.”
She felt so numb after talking to Laurie. Hindi niya akalaing maraming bagay na pala siyang hindi namamalayan mula nang makilala niya si Raiden. At kung hindi pa siya kinausap ni Laurie, hindi pa niya mare-realize ang lahat ng iyon. All those times when she found herself drawn to him, on why it felt so good everytime he would hold her hand, the way his smile could make her forget every bad things he did to her, and on why she never wanted to see him sad. It was because she was inlove with him. She loves him.
Paano nakaligtas sa metikuloso niyang pag-iisip ang bagay na iyon? Bakit hindi niya nahalata ang sarili na nahuhulog na pala ang loob niya rito sa tuwing mapagmamasdan niya ang guwapong mukhang iyon? Sa tuwing mapapalapit siya rito?
“Sasha, okay ka lang?” tanong ni Dahlia. “Namumutla ka, ah.”
“Ha?” Tinapik-tapik niya ang kanyang mga pisngi. “Okay lang ako. Medyo inaantok lang ng konti.”
“Sus!” singit ni Cindy. “Ang sabihin mo, nami-miss mo lang si fafa mo. Tama na kasing tampuhan iyan. Mukha na kayong mga tanga, eh. Halata namang miss nyo na ang isa’t isa, ayaw pa ninyong magbati.”
“H-hindi ko siya nami-miss.”
“Okay, fine. Pero ikaw, mukhang miss na miss ka na nung loverboy mo. Kanina pa siya pabalik-balik dito. Nahihilo na nga ako sa kanya. Pansinin mo na kasi.”
“Pabalik-balik siya rito?”
“Haller! Oo naman, ‘no? Ikaw kasi ayaw mong mag-angat ng tingin. Iyan tuloy, hindi mo siya nakikita.”
“Pero mabuti na rin ang ganon,” wika ni Dahlia. “At least, tiba-tiba kami dahil lagi namin siyang nakikita. Nakaka-inspire tuloy magtrabaho. Sige, huwag mo na muna siyang pansinin at nang makasilay pa kami ng konti.”
Hinayaan na lang niya ang mga ito. Distracted na kasi talaga siya. She’d fallen inlove with Raiden without knowing it. Now she was really doomed. Nawala siya sa kanyang pag-iisip nang bigla na lang may humawak sa kanyang kamay. Suddenly, the familiar warmth reached her heart and it started thumping like crazy. With that kind of reaction, hindi na niya kailangan pang tingnan kung sino ang humawak sa kamay niya para malaman kung sino iyon.
“We need to talk, Sasha,” wika ni Raiden.
Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makapalag dahil hinila na siya nito patungo sa silid nito. He closed the door and pushed her against the wall.
“Kiss me,” he demanded husky voice. Nagulantang siya. “Kiss me. Now.”