Walden's POV Ringggggggggg! Naalimpungatan ako sa masarap kong pagtulog dahil sa pagtunog ng aparato ko. Inignora ko ang pagtunog nito dahil sobrang antok na antok pa ako. Titigil lang din ang kung sino man na tumatawag kapag walang sumagot ng tawag within seconds of ringing. Tumigil nga ito. Itinuloy ko naman ang naudlot kong pagtulog at walang pakialam na humilik. Ang sarap kayang matulog. Kaya kung sino man ang istorbong tumatawag sa akin ay f**k you sa kaniya. Patahimikin niya ang umaga ko dahil gusto ko pang matulog. Ringgggggggggg! Hindi pa man ako nagtatagal sa muling pagtulog nang maalimpungatan na naman ako sa malakas na tunog ng aparato ko. I just ignore it again. Titigil din ito. Pero makulit ang kung sino man ito na caller dahil this time hindi niya talaga tinigilan ang c

