Walden's POV Hindi na nawala sa isipan ko si Jelsea. Sabagay, kahit saglit sa nakalipas na limang taon ay hindi naman siya nawala sa isipan ko. Lagi siyang laman ng isip ko gising man ako o tulog. Laman siya ng panaginip ko at madalas nagigising na lang ako na hindi makahinga dahil sa lungkot. Nagtataka lang ako kung ano ang ginagawa niya sa tapat ng Five Star Hotel na kinaroroonan ko nang araw na iyon. Saan kaya siya galing? Nag-bar kaya? Mukhang pang-bar ang suot niyang makinang na damit. Nais ko man siyang sundan sana ng araw na iyon, wala naman akong makuha agad na sasakyan dahil marami rin ang nag-aabang sa kalsada. Halos makipagtulakan at makipag-unahan na ako sa mga pasahero para makakuha lang ng masasakyan. Subalit kahit makakuha ako, ang bilis din naman nawala sa kalsada ng sas

