Jelsea's POV “Ano ba ang nakain mo at ilang beses ka ng bumalik ng banyo?” Nag-aalalang tanong ni Mommy nang makita niya akong lumabas ng banyo pagkatapos kong magsuka. Nakatayo siya malapit sa may pintuan at mukhang kanina pa nag-aabang sa paglabas ko. I felt a little bit nervous. Mamaya may nahalata na siya sa kinikilos ko at nag-aabang lang na may mapansin sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Nilampasan ko siya at nag-iwas ng tingin. Ayaw kong makita niya ang pamumutla ng aking mukha. Mas lalong siyang maghihinala kapag nakita niya kung gaano ako nanghihina. Hilong-hilo na naglakad ako palapit sa kama ko. Sinikap ko lang na ituwid ang lakad ko kahit na gusto ng bumigay ng katawan ko. Nang makaakyat ako sa kama ko ay agad akong bumaluktot ng higa at saka pumikit. Gusto kong pawiin ang

