Walden's POV Hindi tumugon si Jelsea sa tinuran ko. Nakatingala lang siya sa akin habang manghang-mangha siyang nakatingin sa mukha ko. Maybe she is not expecting to see me here too. Well, I’m here…I’m real. Kung siya gulat na gulat. Ako naman ay hindi mapuknat ang ngiting sumisilay sa mga labi ko. I never thought that this night would be my lucky night to see her. I’m so happy that our path finally crossed! I won't miss this chance to talk to her about what happened that night five years ago. Aalamin ko kung ano ang nagawa ko sa kaniya para iwan niya ako at magtago siya ng napakahabang panahon. Hihingi ako ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan. Luluhod ako sa harapan niya at magmamakaawa. Kahit nga hilingin niya na umiyak ako ng dugo ay pipilitin mo mapatawad lang niya ako. But I kno

