Selya's POV Iyak ako nang iyak habang naglalakad ako patungo sa kwarto ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahil kanina pa gustong kumawala ng mga luha ko. Ang sakit-sakit ng mga nasaksihan ko. Mabuti na lang at walang katao-tao sa pasilyo kaya kahit umiyak ako ng matindi ay walang makakakita. Humawak ako sa tapat ng puso ko nang maramdaman ko ang hindi maipaliwanag na sakit na kinikimkim ko rito. Pinalaya ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko rito sa puso ko nang mapahagulgol ako ng malakas. “I hate you, Master! Bakit hindi mo ako mapansin? Bakit siya pa ang nagustuhan mo? Ginawa ko naman ang lahat para sa iyo. Halos i-offer ko na ang katawan ko. Pero bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako? Mahal na mahal kita, aalagaan kitang mabuti kung ako ang minahal mo...” Hinagpis ko nan