Jelsea's POV “Pwede ko bang makuha ang mga gamit ko?” untag ko kay Master Walden na abala sa pagtitipa sa keyboard ng laptop niya. “Why?” Mula sa kaniyang ginagawa ay nag-angat siya ng kaniyang tingin. Salubong ang kilay niya at matiim akong tinitigan. Hindi ko naman natagalan ang kaniyang pagtitig. Nagbaba ako ng tingin dahil para akong na-i-intimidate sa paraan ng pagtitig niya. “Ahm…ano…gusto ko lang makausap sina Daddy at Mommy…” sagot ko na medyo kinakabahan pang magsabi sa kaniya ng ganito. “You don't have to. Kinausap ko na sila. You're safe with me. Wala akong gagawin na makakasakit sa iyo, iyan ang ipinangako ko sa kanila,” ani niya. Naramdaman ko na inalis niya ang kaniyang tingin sa akin at muling tumipa sa kaniyang laptop. “Iba pa rin kung makakausap ko sila. Kaya pakius