Walden's POV Nagsama ako ng isang batalyon ng mga alalay ko nang magpunta kami kinabukasan ni Jelsea sa bahay nila. I just want to feel safe lalo na at pinaghihinalaan ko noon ang mga magulang ni Jelsea na miyembro ng organisasyon na hawak ni Givenchy. Kahit napatunayan ni Sky na wala silang koneksyon kay Givenchy, still I just want to make sure. Iba na ang nag-iingat sa panahon ngayon lalo na at hindi ko alam kung sino ang traydor at kung sino ang hindi sa mga taong nakapaligid sa akin. Ganito kami namulat ni Kor dahil sa pamilyang pinanggalingan namin. Hindi kami mabilis magtiwala sa tao dahil tingin namin sa kanila ay kalaban na pwede kaming saktan at traydurin. “Boss, hinay-hinay lang sa pagtitig baka matunaw si Miss Jelsea,” wika ni Matias sa akin na agad kong nilingon at pinanlakih